Pagiging kuntento ng pamahalaan sa kasalukuyan nitong COVID-19 response, nakakabahala ayon kay Robredo; Gobyerno, hinimok na maging bukas sa suhestyon

 

Nababahala si Vice President Leni Robredo sa pagiging kuntento ng pamahalaan sa ginagawa nitong pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa programang Biserbisyong Leni, iginiit ni Robredo na mas mainam nang aminin na may problema kesa nagagalit ang gobyerno kapag may punang kulang ang COVID-19 response nito.


Sinagot din ni Robredo ang patutsada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan dahil sa umano’y paggatong niya sa sitwasyon kasunod ng inilabas nitong public address.

Giit ng bise presidente, hindi siya namumulitika.

Muli siyang umapela sa pamahalaan na maging bukas sa mga suhestyon dahil kapag lumubog aniya ang gobyerno, ang mga pinakamahihirap ang pinakaunang maaapektuhan nito.

Facebook Comments