Bagong Philhealth Chief, posibleng ianunsyo ni Pangulong Duterte bukas

May napipisil na si Pangulong Rodrigo Duterte na ipapalit kay General Ricardo Morales bilang Presidente at CEO ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ito ang kinumpirma ni Senador Christopher “Bong” Go.

Aniya, posibleng bukas ay ianunsyo ito ng Pangulo.


Nais aniya ni Pangulong Duterte na linisin ng susunod na pinuno ng PhilHealth ang isyu ng korapsyon sa ahensya mula taas hanggang baba.

Matatandaang nag-resign si Morales sa gitna ng isyu ng iregularidad sa PhilHealth dahil sa kanyang kondisyong pangkalusugan.

Facebook Comments