Nanindigan si Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban sa kanyang pangako na pagbutihin pa ang pagiging produktibo ng mga magsasaka at makamit ang food security sa bansa.
Partikular na tinukoy ni Panganiban ang pagbuo at pagsusulong ng mga relevant technology para sa lowland vegetables, paggawa ng quality seeds at plant materials.
Pahayag ito ni Panganiban sa ginanap na paggunita ng ika-91 taong anibersaryo ng Bureau of Plant Industry – Los Baños National Crop Research, Development, and Production Support Center.
Sa nasabing pagdiriwang, pinuri ni Panganiban ang center sa mga nagawa at serbisyo nito sa mga magsasaka at mamimili sa nakalipas na siyam na dekada.
Facebook Comments