Tinawagang-pansin ng Department of Energy (DOE) ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, dapat tiyakin ng mga itong nasusunod ang minimum inventory requirements (MIR) kasabay ng bleak global oil supply outlook sa ikaapat na quarter ng 2021.
Habang inatasan din ng kalihim ang lahat ng kumpanya ng langis na tiyaking sapat ang suplay nito sa bansa upang matugunan ang pagtaas sa presyo ng langis.
Matatandaang sa ilalim ng Executive Order No. 134 na ipinalabas noong 2002, kailangan panatilihin ng mga kumpanya ng langis ang magandang inventory nito sa Pilipinas.
Kahapon, nasa P1.45 ang itinaas ng presyo ng gasolina habang lagpas P2 sa Diesel at Kerosene.3
Facebook Comments