Pagiging tourism hub ng Marawi City, hindi haharangin ng Malacañang

Marawi City – Suportado ng Palasyo ng Malacañang ang panukala ni Senador Richard Gordon na gawin tourist hub ang Marawi City kapag naibalik na sa normal ang sitwasyon doon.

Nabatid na sinabi ni Gordon na kapag natapos na ang gulo sa lugar ay malaking tulong sa mga naapektuhan ng bakbakan ang turismo na siya namang magbibigay ng maraming trabaho para sa mga residente ng Marawi.

Ayon kay Presidential Spokesman Enresto Abella, nakikita ng Department of Tourism ang potensyal ng Marawi City upang maging tourist destination lalo pa at maganda ang klima sa lugar at maraming maaaring mapuntahan.


Kaya naman sinabi ni Abella na umaasa sila na kasama sa rehabilitation ng Marawi City ay ang pagbuo ng tourism master plan sa lugar.

Facebook Comments