
Nanganganib na hindi maipatupad ang ₱400 bilyon halaga ng mga proyektong pang-imprastraktura ng Department o Public Works and Highways o DPWH sa susunod na taon.
Ang babalang ito ni House Appropriations Committee Chairperson Rep. Mika Suansing kung hindi mareresolba ang hindi pagkakaunawaan sa 2026 budget ng DPWH na nakabitin pa sa pag-apruba ng Bicameral Conference Committee o Bicam.
Pero giit ni Suansing, kung ipatutupad nang buo ang ₱45-bilyong binawas ng Senado sa pondo ng DPWH dahil dito ay maapektuhan ang halos 10,000 mga infrastructure projects ng ahensya.
Ayon kay Suansing, tiyak na magkakaroon ito ng negatibong epekto sa paglago ng ekonomiya, pagbibigay ng trabaho at pagkakaloob ng serbisyo sa bawat komunidad.
Facebook Comments










