Pagkaantala ng May 2022 Election, posible ayon sa COMELEC

Posibleng maantala ang eleksyon sa May 2022 dahil sa mga inihaing kaso ng ilang mga personalidad laban sa ilang kandidato ayon ng Commission on Elections (COMELEC).

Ito ay matapos itakda sa January 14 ng COMELEC poll body ang preliminary hearing para sa disqualification case ni Presidential candidate Bongbong Marcos.

Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, kung hindi maiimprenta ang mga balota sa Enero ay tiyak na maaantala ang halalan sa Mayo.


Aniya, sana ay mapagtanto ng mga naghain ng kaso ang maaaring maging resulta ng kanilang ginawa.

Matatandaang nakatakdang simulan sa January 12 ang pag-i-imprenta ng mga balota na gagamitin sa Eleksyon 2022.

Facebook Comments