Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na isapuso ang pagkabayani ni Gat. Jose Rizal.
Ito ay kasabay ng ika-122 taong anibersaryo ng pagkamatay ni Rizal kahapon, December 30.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na napapanahon para bigyang pag-alala ang iniwang legacy ng ating pambansang bayani.
Ang mga buhay at gawa ni Rizal ay siyang naging instrumento para imulat ang mga Pilipino na labanan ang mga kalaban at mapang-api.
Hanggang aniya sa kamatayan, ipinakita ni Rizal na dapat tugunan ang mga kinakaharap na problema sa lipunan.
Ang Rizal Day ay ginunita sa pamamagitan ng flag at wreath-laying ceremony sa Luneta Park at Rizal Shrines sa Calamba, Laguna at Zamboanga at sa Rizal Monument sa Baguio City.
Facebook Comments