Pagkain at basic needs ibibigay ng gobyerno kasunod ng ipatutupad na Enhanced Community Quarantine

Kasunod nang inaasahang Enhanced Community Quarantine na ipatutupad sa buong Luzon upang hindi na kumalat pa ang Coronavirus Disease (COVID-19).

Sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador na hindi dapat mangamba ang publiko dahil mayroong pagkaing ibibigay ang gobyerno.

Paliwanag nito ang LGUs ang syang bahala na mamigay ng pagkain at essential needs sa bawat kabahayan.

Tiniyak din nitong mayroong sapat na suplay ng pagkain.

Maliban dito, lahat ng indibidwal sa buong Luzon ay sasailalim sa strict home quarantine ibig sabihin bawal lumabas at wala ding transportasyon tanging frontline health workers at authorized government officials ang papayagang lumabas.

Magkakaroon din ng work suspension habang skeletal forces para sa pasok sa gobyerno

Una nang hiningi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kooperasyon ng bawat isa at sinabing prayoridad nito ang kaligtasan at kapakanan ng bawat pilipino

Facebook Comments