Pagkakaaresto sa Malaysia sa Canadian-American na may rape case, kinumpirma ng BI

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na inaresto ng Malaysian police ang isang Canadian-Amirian national na wanted sa panggagahasa sa isang 17-anyos na dalagita sa Subic, Zambales mahigit isang taon na ang nakararaan.

Sinundo naman ang 54-year-old na si Fouad Bounab ng PNP personnel sa Malaysia at mula sa NAIA-3, diniretso ito sa Camp Crame.

Ayon kay Atty. Rommel Tacorda, head ng BI’s Border Control and Intelligence Unit (BCIU), si Bounab ay kasama sa wanted list ng interpol na siyang naglabas ng red notice laban dito.


Sinasabing lumipad patungong Malaysia si Bounab para takasan ang kanyang kaso sa bansa subalit sa tulong ng Malaysian authorities, natunton ito sa kanyang pinagtataguan.

Bukod sa kasong rape, may hiwalang pang kasong paglabag sa anti-trafficking act at cybercrime law na kinakaharap si Bounab sa family court ng Caloocan RTC.

Facebook Comments