Pagkakabasura sa Ill-Gotten Wealth Case laban sa pamilya Marcos

Dismayado si Vice President Leni Robredo sa desisyon ng sandiganbayan na ibasura ang 267 Million pesos Na Ill-Gotten Wealth Case laban kina dating Pangulong Ferdinand Marcos at sa asawa nitong si dating First Lady Imelda Marcos.

Inilabas ng Sandiganbayan 4th division ang desisyon dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Bigo ang prosekusyon na magsumite ng orihinal na kopya ng Documentary Evidence.


Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo ang ‘best evidence rule.’

Dapat ikinunsidera rin ng Korte ang nilalaman at hindi lang ang ipinakitang Form of Evidence.

Aniya, nasayang lang ang pera ng taumbayan dahil ang kaso ay na-dismiss bunsod ng technicalities.

 

Facebook Comments