Pagkakaiba ng Delta variant sa karaniwang COVID-19 virus, imposibleng matukoy – DOH

Aminado ang Department of Health (DOH) na imposible na matukoy ang pinagkaiba ng Delta variant sa orihinal na COVID-19 strain.

Ayon sa DOH, ang pinagkaiba lang ng Delta variant ay mas nakahahawa ito na kayang iwasan ang immunity protections at nakababawas ng antibody neutralization.

Ang Delta variant ay may sintomas na pananakit ng ulo, sore throat, runny nose, at lagnat na kaparehas sa sintomas ng orihinal na COVID-19 strain.


Paliwanag pa ng kagawaran, ang isang kaso ng Delta variant ay kayang makahawa ng walong indibidwal.

Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na sundin ang minimum public health standard gaya ng pagsusuot ng face mask, physical distancing at paghuhugas ng kamay at agad na mag-self-isolate kapag nakaranas ng sintomas ng COVID-19 at magpasuri.

Facebook Comments