Pagkakaisa, apela ni CPNP Acorda sa lahat ng kawani ng PNP

Sa talumpati ni Pilippihne National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda sa flag raising sa Kampo Krame, binigyang diin nito ang kanyang direktiba sa lahat ng units ng Pambansang Pulisya na magkaisa.

Ayon kay PNP Chief Acorda, mahalaga na may unity ang kapulisan upang maisakatuparan ng maayos ang kanilang misyon na protektahan, pangalagaan at bigyang seguridad ang taumbayan.

Inaatasan din nito ang lahat ng station commanders, malugod na tanggapin ang mamamayan sa kanilang opisina lalo na kapag sila ay nagsusumbong.


Sa pamamagitan aniya nito, mararamdaman ng publiko na sila ay protektado ng sa ganon ay wala nang pang-aabusong mangyayari sa mga komunidad.

Samantala, muli rin nitong ipinaalala ang kanyang 5-focused agenda kabilang ang Aggressive and Honest Law Enforcement Operations, Personnel Morale & Welfare, Integrity Enhancement, Information & Communication Technology Development at Community Engagement.

Samantala, maliban dito ay pinarangalan din ang ilang pulis na nagpakitang gilas sa kanilang trabaho nitong mga nakalipas na araw.

Facebook Comments