Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ustadh Saidali Asar ng Teacher Arabic School na sa panahon ng pagdiriwang ng Ramadan ay kailangang lahat ng mga Muslim ay sumunod sa mga ginagawa sa pagdiriwang ng Ramadan tulad ng pag-aayuno o fasting at boluntaryong pagdarasal.
Isang buwan lamang aniya ang Ramadan kayat kailangan talagang maglaan ng panahon at dedikasyon para rito dahil ang Ramadan ay maituturing aniya na mapagpala o pinaka mabiyayang buwan para sa mga Muslim lalo na sa unang sampung araw sa buwan ng Ramadan.
Aminado si Ustadh Asar na may mangilan-ngilan pa rin sa kanilang kasamahan ang hindi na nakikiisa at hindi na tumatagal sa Tarawe dahil na rin sa tagal ng oras na kanilang ginugugol rito kaya pinipili na lamang umano ng ilang Muslim ang huwag nang sumama o hindi kinukumpleto ang tarawe o boluntaryong pagdarasal na isinasagawa sa kanilang Masjid o mosque.
Kaugnay nito ay sinabi ni Ustadh Asar na sa panahon ng Ramadan ay kailangang makapagdasal ng taimtim at humingi ng kapatawaran sa Diyos na lumikha sa lahat upang sa ganon ay mapatawad aniya ang mga nagawang kasalanan kaya muli nitong hinihikayat ang mga kababayang Muslim na makiisa sa taraweh o boluntaryong pagdarasal at pag-aayuno.
Samantala, matatapos ang pagdiriwang ng mga Muslim sa Ramadan sa unang araw ng buwan ng Mayo.