Pagkakapasa sa 3rd and final reading ng pagbabalik ng ROTC sa kolehiyo welcome sa Malacañan

Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacanang ang pagkakapasa ng pagbabalik ng ROTC bilang mandatory subject sa kolehiyo.

 

kahapon kasi ay pumasa na sa ikatlo at huling pagdinig ang panukalang batas sa Kamara na gawin ulit mandatory ang ROTC upang mabuhay muli ang magiging makabayan ng mga estudyante sa kolehiyo na sinasalungat naman ng mga makakaliwang grupo.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, magandang balita ito dahil isa ito sa mga panukala na gustong maisabatas ni Pangulong Rodrigo Dutere.


 

Suportado din naman ng PNP at ng AFP ang pagbabalik ng ROTC sa kolehiyo na matagal naring isinusulong ng ilang mambabatas.

Facebook Comments