Pagkakaroon ng ‘better Christmas’, abot kamay na ayon sa Palasyo

Kumpiyansa ang Malacañang na isang masayang Pasko ang naghihintay sa mga taga-Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ito ay dahil nasa halos 80% na ang mga nababakunahan sa kalakhang Maynila.

Ibig sabihin, hindi na malayong maging merry ang Christmas ngayong 2021.


Paliwanag pa ng kalihim na ito ang inaasam-asam na porsyento upang makamit ang population protection.

Kasunod nito, binigyang-diin ni Roque na dapat pa ring maging maingat at huwag maging pabaya ang lahat laban sa COVID-19 dahil nagkakaroon pa rin ng breakthrough infections o pagkakahawa ng COVID-19 kahit pa bakunado na ang isang indibidwal.

Pero giit nito, kapag fully vaccinated na ay maliit na lamang ang tyansa na magkaroon ng severe cases sapagkat kung hindi asymptomatic ay mild na lamang ang tatamang COVID-19 na tila isa na lamang trangkaso.

Facebook Comments