Pagkakaroon ng COVID-19 booster cards simula Hunyo, iminungkahi

Hinihikayat ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion ang pamahalaan na ipatupad na ang pagre-require sa pagkakaroon ng COVID-19 booster cards sa lahat ng indibidwal na papasok sa enclosed establishments simula sa Hunyo.

Ayon kay Concepcion nabigyan na nang sapat na panahon ang publiko para magpa-booster shot.

Sa katunayan, may 2 buwan pa ang publiko para magpa-booster shot gayung libre naman itong ipinagkakaloob ng pamahalaan.


Paliwanag ni Concepcion, napapanahon na para ito iimplementa dahil nananatili parin ang banta ng COVID-19 at mga bago nitong variants.

Aniya, ito rin ang solusyon upang hindi magkaroon ng vaccine wastage ang bansa.

Facebook Comments