Pagkakaroon ng ikalawang Alternate-Route Bridge, Asahan

Cauayan City, Isabela- Naghanda ang Lokal na Pamahalaan ng Cauayan ng shuttle bus na pansamantalang magagamit ng mga residente sa kanilang pag-uwi sa kanilang mga bahay habang kinukumpuni ang Alicaocao Overflow Bridge.

Ayon kay City Mayor Bernard Dy, pinapayagan pa rin naman ang paglalakad ng pedestrian sa nasabing tulay habang pagkaraan naman ng dalawang (2) linggo ay maaari na ring dumaan ang mga tricycle at single motorcycle at makalipas ang isang (1) buwan ay ang mga malalaking sasakyan.

Ito ay bahagi ng ginagawang pagsasaayos sa nabitak na parte ng tulay kaya’t minabuting iayos ito lalo pa’t higit itong apektado kapag nagkakaroon ng malalakas na bagyo.


Maliban dito, sisimulan na rin ngayong taon ang bagong tulay subalit ito ay sa Sta. Luciana-San Pablo Area habang inaprubahan na rin ng Regional Development Council ang ikalawang tulay na inaasahang maipapatayo rin sa bahagi ng Cabaruan-Carabbatan Chica.

Tiniyak naman ng Lokal na Pamahalaan ang pagsasaayos sa lalong madaling panahon ang mga uumpisahang tulay sa ilang lugar sa lungsod.

Facebook Comments