Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang nagpapalakas sa “mental health services” sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa.
Sa viva voce o voice voting ay nakalusot sa 2nd reading ang House Bill 10284.
Itinataguyod ng panukala ang karapatan ng bawat Pilipino para sa mental health at matiyak ang “access” sa kinakailangang interventions, therapy at treatment.
Sa oras na maging ganap na batas, oobligahin ng Commission on Higher Education (CHED) ang lahat ng SUCs sa bansa na magtatag ng mental health office sa kani-kanilang mga campus.
Ang mga opisinang ito ay dapat magkaroon ng hotlines na tatauhan ng trained guidance counselors na magbibigay ng assistance para sa buong ng SUCs community.
Partikular na tututukan ang mga estudyante na kailangan ng espesyal na atensyon o may mental health problems at ang mga “at risk” sa suicide o pagpapakamatay.