Manila, Philippines – Hindi ngayon masabi ng Palasyo ng *Malacañang *kung susuportahan ba nila o hindi ang pagbibigay ng Identification Card o ID sa mga kapatid nating Muslim.
Ito ay sa kabila ng pagkontra ng Senado, Kamara, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police sa pagsasabing ito ay isang discriminatory act dahil hindi dapat isang sector lamang ang bibigyan ng ID kundi lahat ng mamamayan.
Tinanong kasi si Presidential Spokesman Ernesto Abella kung sinusuportahan ba nila ang pagbibigay ng ID sa mga Musim.
Ang sagot ni Abella, hindi niya masasabi kung hindi nila sinusuportahan ang pagbibigay ng ID sa mga Muslim.
Pero binigyang diin ni Abella na ang posisyon ng Malacanang ay ang pagkakaroon ng National ID System.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Pagkakaroon ng National ID system, isinusulong ng Malacañang
Facebook Comments