Hinimok ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman at Senator Richard Gordon ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na magkaroon ng point person o representative na mangangasiwa sa pagpapalabas ng mga patunay na nagpa-test sa COVID-19 ang kanilang mga miyembro.
Kasunod ito ng ulat na nagiging mabagal ang proseso ng beripikasyon na nagiging dahilan ng pagka-delay ng nai-uulat na kaso lalo’t nasa gitna ng pandemya ang bansa.
Ayon kay Gordon, obligasyon ng PhilHealth na mapabilis ang pagpapadala ng mga pangalan na siya nilang ite-test kung positibo sa virus.
Kaya dapat aniya na magkaroon ng taong mangangasiwa sa proseso dahil kasama ito sa kanilang sinisingil.
Nabatid na batay sa Section D, No. 4 ng Memorandum of Agreement na nilagdaan ng PRC at PhilHealth, trabaho ng health insurer na magkaroon ng point/contact person o representative para makipag-uganayan sa PRC.