MANILA – Suportado ni dating senate president nene pimentel ang plano ni presumptive president rodrigo duterte na bigyan ng pwesto sa kanyang gabinete ang komunistang grupo.Ayon kay dating Sen. Pimentel, ito ay isang malaking oportunidad para sa rebeldeng grupo na patunayang hindi lang ang pagdestabilize ng gobyerno ang kanilang hangarin.Sabi ni pimentel, ang paghawak ng mga posisyon sa pamahalaan ay isang pagkakataon sa komunistang grupo na tumulong sa pagresolba ng kahirpan sa bansa.Ito aniya ay magandang tsansa para magkaroon ng papel ang mga rebelde sa development ng pilipinas.
Facebook Comments