Pagkakaroon ng pribilehiyo ng mga indibidwal na nabakunahan na kontra COVID-19, isinusulong ni Senator Pia Cayetano

Hinimok ni Senator Pia Cayetano ang gobyerno na magkaroon ng isang regulasyon na magbibigay pribilehiyo sa isang indibidwal na nabakunahan na kontra COVID-19.

Kasunod ito ng plano ng gobyerno na magkaroon ng “passport” na indikasyon na nakatanggap na ng bakuna ang isang indibidwal.

Ayon kay Cayetano, ilan sa mga halimbawa ng pribilehiyo ay ang kakayahang magtungo sa iba’t-ibang lugar na walang anumang balakid ng pagkahawa sa virus.


Habang kasama rin dapat dito ang hindi na pagsasailalim sa RT-PCR test.

Facebook Comments