Mga hotel sa Baguio City, pwede nang mag-accommodate ng mga turista ayon sa IATF

50

Maaari nang tumanggap ng mga bisita ang mga hotel at iba pang kahalintulad na establisyimento sa Baguio City.

Ito ay kahit na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang summer capital.


Ayon sa Inter–Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), pinapayagan nila ang leisure travel basta’t mahigpit na nasusunod ang health and contact tracing protocols.

Matatandaang sa pinakahuling desisyon ng IATF, ibinalik sa GCQ ngayong buwan ng Pebrero ang buong Cordillera Administrative Region dahil sa pagtaas ng kaso doon ng COVID-19.

Facebook Comments