116,000 health workers sa NCR, nakapagpre-register na para sa bakuna kontra COVID-19

57

Tinatayang aabot sa 116,000 health workers sa National Capital Region (NCR) ang nakapagpre-register na para sa bakuna kontra COVID-19 ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Dr. Razel Nikka Hao, Deputy ng COVID-19 Surveillance and Quick Action Unit, kabilang ang mga ito sa inisyal na listahan ng ahensiya.


Magpapatuloy naman ang registration para sa mga health workers na nais mapabilang sa mga mababakunahan.

Matatandaang sa ilalim ng COVID-19 vaccination program ng gobyerno, ipaprayoridad ang mga workers sa frontline health care services dahil ito ang kadalasang humaharap sa mga tao sa gitna ng paglaban sa bansa sa COVID-19 pandemic.

Samantala kaugnay nito, nakalatag na ang vaccination program ng mga ospital na unang mabibigyan ng Pfizer vaccine na inaasahang darating ngayong buwan.

Kabilang dito ang Philippine General Hospital (PGH) at ang East Avenue Medical Center (EAMC).




Paliwanag ni PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario, handa silang isapubliko ang bakunahan para makatulong sa pagtaas ng kumpiyansa sa bakuna.

Facebook Comments