Pagkakaroon ng produksyon ng lokal na fertilizer, inihirit ng isang kongresista

Umapela si House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda sa pamahalaan na magkaroon ng produksyon ng mga lokal na fertilizer o abono sa ating bansa.

Babala ng mambabatas, nagbabadya ang “global shortage” sa suplay ng synthetic na mga abono.

Dahil dito ay posibleng maapektuhan ang suplay at presyuhan naman ng mga pagkain sa ating bansa.


Mainam aniya na tiyakin ng gobyerno partikular ng Department of Trade and Industry (DTI) ang “domestic production” ng mga fertilizer upang maagapan ang anumang posibleng kakapusan sa abono.

Ang produksyon ng fertilizer ay maganda rin aniyang gawing “incentive activity” sa ilalim ng Strategic Investment Priorities Plan (SIPP) na listahan ng mga sektor na kwalipikado para sa “tax perks” o benepisyo sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) law.

Facebook Comments