Pagkakasama ng 4Ps beneficiaries sa mga ipaprayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine, ikinalugod ng DSWD

Lubos na ikinatuwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagkakasama ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ipaprayoridad ng pamahalaan na mabigyan ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, magandang balita ito lalo na ang mga 4Ps beneficiaries ay kabilang sa mga pinakamahirap na sektor ng lipunan.

Sinabi rin ni Dumlao na bubuo pa lamang sila ng guidelines hinggil sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang 4Ps beneficiaries sa COVID-19 vaccine priority list.


Nanawagan ang DSWD sa mga benepisyaryo na maghintay ng opisyal na anunsyo na ilalabas sa kanilang official Facebook accounts.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na unang makakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga mahihirap at ang security forces.

Facebook Comments