PAGKAKATALAGA SA BAGONG KALIHIM NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE ISANG CONFLICT OF INTEREST AYON SA BANTAY BIGAS

Isang conflict of interest ang pagkakatalaga sa bagong kalihim ng Department of Agriculture ayon sa Bantay Bigas.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, isang negosyante at hindi isang tunay na mangingisda o magsasaka ang bagong talagang kalihim sa katauhan ni Secretary Francisco Laurel Jr.
Aniya, tila inappoint ito sa pwesto dahil lamang sa isa siya sa mga nag-donate ng campaign fund ni Pangulong Bongbong Marcos noong ito ay tumatakbong presidente pa lamang.
Parang si PBBM lang aniya din ang kalihim ng DA dahil dito at baka mas matimbang ang negosyo ng kalihim.

Samantala, bukas naman ang Bantay Bigas sakaling ipatawag ng bagong kalihim upang alamin ang kanilang mga suhestiyon sa ikaka-unlad ng sektor ng agrikultura.
Napag-alaman kasi na nasa ₱30-milyong piso ang sinasabing in kind donation ng bagong kalihim ng DA para sa kampanya ni Pangulong Bongbong Marcos noong 2022 presidential elections. | ifmnews
Facebook Comments