Pagkakatukoy sa mastermind sa pagpaslang kay Cong. Rodel Batocabe, welcome development para sa kaniyang pamilya

192

Ikinatuwa naman ng anak ni Ako Bicol Party-List Representative Rodel Batocabe na si Atty. Justin Batocabe ang resulta ng imbestigasyon ng pulisya hinggil sa kaso ng pagkakapatay sa kaniyang ama.

Sa presscon ng PNP, sinabi Justin na malaking tulong ang ginawa ng binuong Special Investigation Task Group Batocabe, CIDG at PNP Intelligence Group sa pagresolba ng kaso lalo na at alam na nilang pulitika ang dahilan ng insidente.

Hindi naman nila matanggap ang ginawa ni Mayor Carlwyn Baldo kung saan sa tingin nila ay mababawa ang dahilan nito para ipapatay ang kaniyang ama.

Sa ngayon, umaasa silang maaaresto si Mayor Baldo at mapanagot ito sa kaniyang ginawa.

Facebook Comments