Manila, Philippines – Posibleng sabotahe ang insidente ng pagkalas ng isang bagon ng MRT mula sa ibang bahagi ng tren.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez, walang nakitang problemang mekanikal o elektrikal ang ahensya.
Aniya, pwede kasing kalasin ang isang bagon mula sa ibang bahagi ng tren sa loob ng isang minuto, kung may kakayanan ang gumagawa.
Nawawala rin aniya ang black box” na nagsisilbing memory card ng kumalas na bagon.
Pero nilinaw ni Chavez na hindi sila nagtuturo kung sino ang nasa likod ng insidente.
Dahil sa nangyari, naglagay na ang DOTr ng train marshall para hindi na maulit ang kaparehong insidente.
Facebook Comments