Cauayan City, Isabela- Pinabulaanan ng Provincial Government ng Quirino ang napabalitang nakapagtala ito ng unang kaso ng coronavirus.
Ito ay batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Gov. Dakila Carlo ‘DAX’ Cua, hindi ito makapaniwala sa inilabas na datos ng ahensya kung kaya’t nagdulot din ito ng panic sa mga Quirinian.
Aniya, mahalaga ang integridad lalo pa’t malaking usapin ang pandemya na posibleng magdulot ng pangamba para sa iba.
Samantala, nakiusap naman ang gobernador kay DILG Sec. Eduardo Año na kung maaari ay huwag munang payagan umuwi sa mga probinsya ang mga Locally Stranded Individuals mula sa Modified General Community Quarantine (MECQ) areas dahil sa posibleng local transmission.
Una nang kumalat ang impormasyon na may kumpirmadong kaso na ng virus ang probinsya dahilan para magdala ng panic sa publiko.
Nananatili pa rin na COVID-19 Free ang Probinsya ng Quirino at Batanes.
Tiniyak naman ni Gov. Cua na mananatili ang kanilang pagsisigurong dadaan sa lahat ng proseso ang mga uuwi sa lalawigan para makaiwas sab anta ng COVID-19.