Pagkamatay ng NPA leader sa Negros na si Juanito Magbanua, may domino effect sa leadership ng NPA ayon sa AFP

Tiyak na may domino effect ang nangyaring pagkamatay ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) terrorist spokesman at ranking leader na si Romeo Nanta alias Juanito Magbanua o Juaning/Jack sa liderato ng NPA.

Ayon kay 3rd Infantry Division Commander MGen. Benedict Arevalo, paniguradong demoralized ang mga NPA sa ngayon.

Aniya, sa pagkamatay ni Magbanua, 3 lamang ang maaaring mangyari sa nalalabi pang mga myembro ng NPA.


Una, sumuko o magbalik-loob na sa gobyerno, ikalawa maaresto at makulong, at ikatlo mapatay ng tropa ng pamahalaan.

Paliwanag ni Arevalo, hindi titigil ang sandatahang lakas hangga’t hindi nauubos ang mga rebelde na walang ginawa kung hindi maghasik ng takot, gulo at pagkakawatak-watak.

Kahapon, habang nagsasagawa ng hot pursuit operations ang 94IB nakasagupa nila ang grupo ni Magbanua o nasa 10 myembro ng NPA sa Sitio Medel, Brgy. Carabalan, Himamaylan City kung saan makaraan ang 10 minutong sagupaan tumambad sa tropa ang wala nang buhay na lider ng NPA.

Facebook Comments