Lokal na pamahalaan ng San Jose del Monte Bulacan at kanilang PESO tiniyak ang matibay na ugnayan sa DZXL Radyo Trabaho team

Ibinida ng pamunuan ng Public Employment Service Office o PESO San Jose del Monte City (SJDM), Bulacan ang mga programa ng ahensiya na talagang napakikinabangan ng mga residente.

Ayon kay PESO Manager Perfecto Jaime Tagalog nagpapasalamat sila sa malaking tulong na ibinigay ng DZXL Radyo Trabaho Team sa kanilang isinagawang Mega Job Fair kung saan dinagsa ng mga aplikante hindi lamang sa kanilang nasasakupan bagkus maging sa mga karatig lalawigan

Kabilang pa sa programa ng SJDM PESO ang tulong alalay at medical requirements sa mga aplikanteng lalapit sa kanila, ito ay nasa ika-anim na taon na at nagpapatuloy hanggang sa ngayon.


At sa mga walang trabaho, magsadya lang sa PESO dahil tatlong beses sa isang linggo ang kanilang local recruitment activity at dalawang beses sa isang buwan ang Special Recruitment Activity na naka-focus sa abroad at mayroon din silang skills matching at pre-employment training.

Samantala, nagpasalamat rin si SJDM Mayor Arthur Robes sa patuloy na suporta ng Radyo Trabaho at tiniyak niya ang commitment sa atin.

Facebook Comments