Pagkamatay ng tatlong bata matapos mabakunahan kontra COVID-19, walang kinalaman sa bakuna – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang kinalaman sa bakuna kontra COVID-19 ang pagkamatay ng tatlong batang edad 12 hanggang 17 matapos maturukan nito.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, namatay sa ibang sakit ang mga bata dahil sa dengue, pneumonia at tuberculosis.

Unang napasama ang kaso ng pagkamatay sa adverse event ng Food and Drug Administration (FDA) na inilabas noong November 28.


Pero paglilinaw ni Vergeire, hindi nangangahulugang bakuna ang dahilan ng pagkakasama sa adverse event dahil ilan sa mga nagpabakunang napasama sa listahan ay may comorbidities.

Sa ngayon, nagpahayag na ng pakikiramay ang DOH sa pamilya ng mga biktima.

Facebook Comments