Manila, Philippines – Hindi parin makumpirma ng Armed Forces of the Philippines kung patay na nga ang isa sa mga lider ng Maute na si Mohammad Maute.
Ito ang reaksyon ng AFP matapos lumabas nitong weekend ang nasabing balita na mula umano sa ilang Military sources.
Sa Mindanao Hour dito sa Malacanang kanina ay sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General REstituto Padilla na sinisikap nila ngayon na alamin ang naturang Raw information upang mabatid kung ito ay totoo o hindi.
Una nang sinabi ni Padilla na naniniwala parin sila na nasa lungsod pa ang primary target ng Pamahalaan na si Isnilon hapilon na lider ng Abu Sayyaf at tinaguriang Emir ng ISIS sa Pilipinas.
Kaugnay niya ay sinabi din naman ni Padilla na bumagal ngayon ang kanilang ginagawang clearing operations sa mga bahay sa Marawi City dahil sa mga nakatanim na improvised Explosive devises kaya kailangang mag-ingat ng kanilang tropa doon.
Sa ngayon aniya ay kulang kulang 2 barangay nalang ang hawak ng mga terorista at patuloy na itong lumiliit lalo pat nakuha na ng AFP ang isa sa mga strategic area sa Marawi na Mapandi Bridge.
Pagkamatay umano ni Mohammad Maute bineberipika pa ng AFP, clearing operations sa Marawi City bahagyang bumagal
Facebook Comments