Pagkapanalo ng mga senatoriables ng administrasyon, hindi garantiya ng pagpasa ng mga panukalang isinusulong ng Malacañang

Tiniyak nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senator Panfilo Ping Lacson na mananatili ang independence ng senado kahit pawang mga kandidato ng administrasyon ang napipintong mapabilang dito.

 

Diin ni Zubiri, napatunayan na sa track record ng senado sa pagpasa ng mga panukalang batas na hindi ito naging sunud sunuran sa Malacañan.

 

Paliwanag ni Zubiri, kanila lamang susuportahan ang mga isinusulong na panukala ng adminstrasyon kung makakabuti ito sa mamamayang Pilipino pero dadaan pa rin ito sa masusing pag-aaral at debate.


 

Inihalimabawa ni Zubiri ang mga panukalang Train 2, Death Penalty at Federalism na kahit itinutulak ng Malacañan ay hindi pa rin lumusot sa senado.

 

Giit naman ni Senator Lacson, hindi matitinag ang pagiging independent ng senado bilang institusyon kahit magkaroon ito ng mga miyembro na pikit-matang susunod sa gusto ng palasyo.

Facebook Comments