Pagkilala sa mga ‘Modern Heroes’, mensahe ng Philippine National Police ngayong Independence Day

Tiniyak ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na magpapatuloy ang mandato ng kanilang hanay na labanan ang iligal na droga at krimen sa bansa.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng Independence Day ngayong araw.

Sa kanyang mensahe, umapela si Albyalde sa mga pulis na ipagpatuloy ang pananatili ng kaayusan sa mga komunidad.


Hinikayat din ni Albayalde ang publiko na kilalanin hindi lang ang kagitingan at katapangan ng mga bayaning lumaban para makamit ang kasarinlan ng bansa kundi maging ang mga tinawag nitong “Modern Heroes”.

Kabilang aniya rito ang mga Sundalo, Bumbero, Guro, Magsasaka, Metro Aide at iba pang nagsasakripisyo para mabigyan ng maayos na pamumuhay ang mga Pilipino.

Samantala, aabot sa 6,000 pulis ang dumalo sa selebrasyon ng PNP sa Camp Crame.

Facebook Comments