PAGKILATIS SA MGA IMPORMASYON, DAAN UMANO UPANG MAWAKASAN ANG FAKE NEWS AYON SA MGA STUDENT JOURNALISTS

Suportado ng ilang young journalists sa rehiyon ang pagsulong na maiwasan ang paglaganap ng fake news lalo na sa loob ng social media platforms.

Inihayag ng ilan sa mga ito ang kanilang patuloy na pagbibigay ng kaalaman sa kapwa nila estudyante sa importansya ng pagkilatis ng mga impormasyon lalo ngayong laganap ang false information online.

Hindi rin umano ang social media platforms ang mismong dahilan kung bakit lumalaganap ang false information kung hindi sa kawalan ng disiplina ng mga gumagamit nito.

Dapat umano na magkaroon pa ng sapat na kaalaman at matutong kilatisin ng mga gumagamit ng digital platforms sa mga nababasa at napapanuod nila upang maiwasan na ma-ikalat ang maling impormasyon.

Samantala, kasalukuyan namang isinasagawa ang RSPC 2025 sa Dagupan City bilang host ngayong taon kung saan nagsama-sama ang mga mag-aaral sa buong Region 1. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments