PAGTATAGUYOD NG BANGUS INDUSTRY NG PANGASINAN, TINIYAK

Inaaasahang mas palalakasin pa ang pagtataguyod ng bangus industry ng Pangasinan sa pangunguna ng Samahan ng Magbabangus ng Pangasinan (SAMAPA) sa pamamagitan ng mga hinahanda at nakatakdang ilunsad na mga programang tutulong sa mga miyembro ng grupo.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay SAMAPA President Christopher Sibayan, magsasagawa ang pamunuan ng information dissemination sa iba’t-ibang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan na sesentro sa pagsasanay na magpapabuti sa pinamamahalaang mga kabuhayan.

Magiging daan din ito umano upang mas mapatatag ang produksyon ng bangus na siya ring magpapalaki ng kita ng mga growers at iba pang stakeholders.

Samantala, isa ngayon sa tututukan ay ang pagtugon sa suliraning kinakaharap tulad na lamang ng posibleng epekto ng pabago-bagong panahon sa paglaki ng bangus, maging ang inaaasahang banta ng La Nina sa industriya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments