PAGTUKOY SA MGA POSIBLENG EVACUATION AREAS SA POSIBILIDAD NG THE BIG ONE SA DAGUPAN CITY, ISINAGAWA

Muling inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang ‘Handa Ka Na Ba?’ Summit sa ilalim ng disaster preparedness program ng lungsod partikular laban sa posibleng banta ng ‘The Big One.’

Bukod sa mas pinaigting na information dissemination, iba’t-ibang mga pagsasanay na ibinababa sa mga bara-barangay, bahagi ng paghahanda ng lokal na pamahalaan ay ang pagtukoy sa mga possible evacuation areas.

Ito ay sa pamamagitan ng isinagawang pag-iinspeksyon sa mga building na maaaring maging takbuhan ng mga residente upang mapanatili ang kaligtasan ng mga ito.

Samantala, matatandaan na patuloy ang paalala ng Philippine Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang hindi inaalis na posibilidad ng pagyanig na maaaring umabot sa 7.2 magnitude. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments