Camp Melchor F dela Cruz, Upi, Gamu, isabela– Sinegundahan ni Major General Paul Talay Atal, D.P.A. AFP, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang pagkondena ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa New People’s Army.
Ito ay may kaugnayan sa ginawang pagpaslang ng mga komunista kay SB Member Angelo Luis sa mismo nitong tahanan sa Awallan, Baggao, Cagayan noong umaga ng Disyembre 2, 2017.
Sa ipinadalang kalatas ng 5ID sa media kasama ang RMN Cauayan ay sinabi ni Heneral Atal na kanila ring kinokondena ang naturang pangyayari na binansagang “terrorism”.
Ang bahagi ng naturang pahayag: “The whole Star Troopers join the Provincial Government of Cagayan in condemning in all forms, the killing of SB Luis. The Cagayanos indeed should have a united stand, and together decry the terroristic acts of the CT-NPA that had been sowing fear among the peace loving people of Cagayan.”
Hinikayat din ng pamunuan ng 5ID ang mga mamamayan at mga namumuno sa lalawigan ng Cagayan na humayo at huwag pagagapi sa mga taktikang pangterorismo na pananakot at panggigipit.
Sinabi pa sa kalatas na nagposte sila ng mga kasundaluhan ng tutulong sa PNP para tugisin ang mga gumawa sa naturang krimen.