Pagkontrol sa inflation rate, itinuturing ng mayorya sa mga Pilipino bilang pangunahing problema sa bansa – Pulse Asia Survey

Itinuturing ng mayorya sa mga Pilipino ang pagkontrol ng inflation rate bilang pangunahing problema sa bansa na kailangan ng agarang pagtugon ng pamahalaan.

Batay sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia Survey, 66% ng mga Pilipino ang nagsabing “most urgent national concern” ang pagkontrol sa inflation rate sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Nasa 44% naman ang nagsabi ng pagtataas ng sahod ng mga manggagawa, habang 35% ang job creation, at 34% ang nagsabing poverty reduction ang pangunahing problema ng bansa.


Samantala, kabilang sa iba pang nabanggit na kailangan ng agarang pagtugon ay ang pagbabawas ng ibinabayad na tax, pagkontrol sa hawaan ng COVID-19, proteksyon ng mga OFWs, at paghahanda sa pagharap sa anumang uri ng terorismo.

Ang survey ay isinagawa noong September 17 hanggang 21 sa 1,200 respondents.

Facebook Comments