1 SUGATAN SA BANGGAAN NG PICK UP TRUCK AT TRICYCLE

32
Sugatan ang isang lalaki matapos salpukin ng isang pick up truck ang kanyang minamanehong tricycle sa kahabaan ng Balitian Bridge, Bontoc, Mountain Province kahapon, Oktubre 5, 2022.

Kinilala ang drayber ng tricycle na si Vincent Angannoy habang ang pick up truck naman ay minamaneho ni Santos Daping.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, tinatahak ni Daping kasama ang lima pang sakay ang daan pauwi sa kanilang tahanan sa Nacagang, Sagada ng mangyari ang insidente.

Napag-alamang nagcounterflow ang pickup truck kung kaya’t bumangga sa tricycle.

Ang drayber ng tricycle at ang dalawa pang babaeng sakay pati na rin ang drayber ng pick up at ang lima pa nitong sakay ay nilapatan muna nga paunang lunas at dinala sa Bontoc General Hospital upang suriin.

Samantala, idineklara namang medically cleared na ang lahat maliban kay Angannoy na na-admit sa ospital para sa karagdagang atensyong medikal.

Facebook Comments