Pagkuha ng plastic card wala ng dagdag bayad

Wala umanong dagdag na babayarin sa pagkuha ng five years validity ng drivers license card sa mga tanggapan ng LTO…Ito ang sinabi ni LTO-12 chief for Operation sir Papacan Pacalundo sa panayam sa kanya ng DXMY…Anya meron kasi daw siyang narinig na may nangongolekta daw sa mga kumukuha ng driver license card dahil nga daw sa paunahan at siksikan. Sinabi nito na kung meron maninigil ay agad umanong isumbong sa kanya para maimbestigahan niya.at bawal din daw na magsuhol o magbigay ng padulas sa kanyang mga staff dahil itoy hindi magandang Gawain.Sa ngayon ay binuksan nila ang satellite office ng midsayap at maguindanao para magprocess ng plastic ID card para maiwasan ang siksikan sa LTO Cotabato city. Umabot umano sa 30,000 cards ang backlog ng LTO Cotabato kayat pahirapan ang pagkuha ng five years validity na plastic cards dahil iisa lang din ang kanilang lamination machine na limitado lang sa isang daan tao kada araw.. Kayat humihingi ng pang unawa si sir Papacan sa mga nagke-claim dahi ng kanilang patakaan ay first come first serve…Alas dos pa lang ng madaling araw ay nagpipila nasa LTO office para makakuha ng priority number.

Facebook Comments