Paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, inaasahang babagal pa ngayong taon

Naniniwala ang ilang mga eksperto na babagal pa ang paglago ng ekonomiya ngayong 2023 hanggang sa taong 2024.

Ayon sa ulat ng GlobalSource Partners, ang paghina ng pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay sa kabila ng mga reporma na ipinapatupad at ang pagtatapos ng tinatawag na “revenge spending.”

Tinatayang bababa pa sa 5.2 percent ang gross domestic product o GDP ngayong taong mula sa dating mas mataas na forecast na bansa 5.5 percent.


Maging ang forecaast para sa susunod na taon ay binawasan na rin ng grupo na mas mababa rin sa projections ng gobyerno ng Pilipinas.

Kabilang sa tinukoy na sagabal sa economic growth ay ang hindi stable na presyuhan ng pangunahing bilihin at mataas na local inflation rate.

Facebook Comments