NBA Star Jordan Clarkson, ikinagulat din ang panawagan ng ilang fans na sibakin na bilang coach ng Gilas Pilipinas si Chot Reyes

Inamin ni NBA Star Jordan Clarkson na maging siya ay hindi makapaniwala sa matitinding pangangantiyaw na inaani ni Gilas Pilipinas National Coach Chot Reyes.

Napansin kasi ni Clarkson na tuwing ipapakita ang kanilang coach at mukha sa big screen ay naghihiyawan at “bino-boo” ng mga fans si Reyes.

Ayon sa Utah Jazz player, hindi niya akalain na mangyayari ito at medyo “weird” lalo na at host ang Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup.


Ilang mga Pinoy fans din ang nanawagan na magkaroon ng pagbabago sa basketball program ng Pilipinas lalo na at hindi nakaisa ng panalo ang bansa sa round.

Bagama’t may laro pa ang Gilas bukas pero ito ay para sa pwesto na lamang sa 7th hanggang 32nd place.

Facebook Comments