Paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa gitna ng pandemya, itinakda sa 6.9% ng International Monetary Fund

Itinaas pa ng International Monetary Fund (IMF) ang pagtataya sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2021.

Ayon kay IMF Resident Representative to the Philippines Yongzheng Yang, inilagay sa 6.9 percent mula sa 6.6 percent ang paglago sa ekonomiya ng bansa.

Pero ibinabala ni Yang na posible pang magbago ang pagtataya, dulot ng patuloy na epekto ng COVID-19 pandemic.


Inaasahan namang ang mga natitirang pondo ng 2020 National Budget at emergency response sa Bayanihan laws ang magbabalik muli ng sigla sa ekonomiya ng bansa ngayong taon.

Sa ngayon, binabaan na ng Manila-based multilateral lender na Asian Development Bank (ADB) ang economic growth forecast nito para sa Pilipinas ngayong 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.

Kung dati kasi ay nasa 6.5% ang economic projection ng ADB sa Pilipinas, ngayon ay 4.5% na lang ito, base sa ipinalabas ng ADB sa kanilang flagship economic publication na Asian Development Outlook 2021.

Matatandaang una nang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na kakapusin ang Pilipinas sa economic forecast nito na 6.5% hanggang 7.5% para sa 2021.

Ang dahilan ay ang mga ikinasang quarantine lockdown dahil pa rin sa pagsipa ng kaso ng COVID-19.

Facebook Comments