Asahang lalago ulit ang ekonomiya ng bansa sa ikalawang kwarter ng taon.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, dahil ito sa mga isinasagawang mass vaccination program at nababawasang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Aniya, ipinoproseso na rin nila ang dagdag na booster shots hanggang sa susunod na taon para hindi na kumalat ang virus at tuluyang mabuksan ang ekonomiya.
Matatandan na bumaba ng 4.2 % ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa nitong unang kwarter ng 2021.
Facebook Comments