Pabor si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño sa paglalagay ng house marking sa bahay ng mga pamilyang nagpo-positibo sa COVID-19.
Dahil dito, hinimok ni Diño ang mga Local Government Unit (LGU) sa Metro Manila na ikonsidera ang paglalagay ng mga house marking.
Iminungkahi naman ni Diño ang pagsusuot ng vaccination card o gawin itong tila ID ng mga residente tuwing lalabas ng bahay.
Habang nanindigan din ito na dapat mananatiling unannounced o walang abiso ang pagpapatupad ng mga granular lockdown.
Sa ngayon, umabot sa halos 37,000 ang naitalang lumabag sa unang 3 araw ng pagpapatupad ng alert level system sa Metro Manila o mula Huwebes hanggang Sabado.
Facebook Comments