Paglalagay ng plastic cover sa mga tindahan at iba pang establisyimento, iniutos sa Pateros

Inoobliga ngayon ng lokal na pamahalaan ng Pateros ang mga maliliit na tindahan, convenience store, at iba pang kaparehong establisyimento na maglagay ng plastic cover sa kanilang mga tindahan.

Ang hakbang na ito ay inilunsad ng munisipalidad upang mapag-ingat ang mga tao laban sa nakakahawang COVID-19.

Partikular na ipinalalagay ang plastic cover sa harap ng tindahan tulad ng sari-sari store, carinderia, talipapa, palengke at sa cashier ng mga food establishments at convenience stores.


Sinimulan ng Pateros na isa-isahin ang mga bukas na establisyimento para personal silang mapaalalahanan sa bagong utos na isa ring pagiingat para ma-contain ang Coronavirus.

Inaasahan din ang kalinisan at madalas na pagdisinfect sa mga establisyimento.

Facebook Comments